Friday, August 5, 2016

My mind is working, my heart is beating..

Today is my day..
May iniintay ako, hindi dumating.. hay

Ako nga pala yung taong pinoproblema ang hindi dapat problemahin. Hindi ko alam kung bakit, pero ako ito e. 

Ano ba ang kalimitan nilang tinatanong sa akin? Na meron pa ba o wala na? Of course, they will not believe me. Whatever I say, they won't. Hindi ko nga sana dapat iniisip yun pero pag nakikita ko sila, iba ang nararamdaman ko. Hindi nga ako nagseselos dun sa girlfriend nya e. 
O? Edi alam mo na kung ano to? HAHA! Yep, nagseselos ako pero hindi sa inyo ng girlfriend mo!

Bakit ba kasi hindi pa ako makawala? I can take most of my time but I cannot wait any longer. Nahihirapan ako. Umiiwas na ko sa pwedeng iwasan pero walang nangyayari. Tumatalikod ako ng may bigat sa aking dibdib. Umaalis ako ng walang dahilan para hindi makita ang katotohanan. Oo, takot ako na baka maging kayo o magkagustuhan kayong dalawa dahil hindi naman talaga imposible iyon. 

Ano ba ang magandang gawin? 

Thursday, November 19, 2015

Ibalik

NOV192015

Bat ba ako nagbalik dito? haha. Kaloka kasing HRI yan e, kailangan ng blogger. Di ko na lang siguro ilalagay, baka mabasa pa nila e haha.

Kung tatanungin ako ng nasa isip ng iba, meron pa. Pero may gumugulo sa isip ko na hindi matuloy tuloy.. Gusto kong malaman kung bakit. I have someone in my mind and not yet in my heart. Hopefully, not. Ako ang may gusto, ako ang lumayo. Shocks. E wala nga kaming communication ni O e! HAHA. Bat kase pinakawalan ko pa. Nope, mali mali mali. Tama ang ginawa ko non dahil baka masaktan ko lang sya. Hanggang stalk na lang ako sa facebook hahaha. Namimiss ko kakulitan nya..nang dahil sa kanya, may nakakalimutan ako na dapat kalimutan.

Sa ngayon, kung pag uusapan si ano, ang problema ko na lang ay yung hindi pa ako marunong mag react hahaha. Parang ang awkward pa saken e haha. But still, masaya na ako sa kanila. A lil bit na lang. Thankful to him, nakakatulong lahat ng ginawa nya.

Balik kay O, ewan ko talaga. Ayoko. Sana, hindi matuloy to.

Bye for now! Kailangan ko pang maabot mga pangarap ko bago ako lumandi hahaha. Swerte nya ha? jk. Syempre swerte rin naman ako kung sino man yun :D

Friday, September 18, 2015

This.

SEPTEMBER 18, 2015

 I declared that I moved on and let go the past. 
 No more other feelings.
 Farewell to everything.. Also to this blog. 
 I'll just get back if something's new. 
 But about the love thing?
 Stop it. 
 Someone's coming. 


 Bye, 
 Sugar is sweet.

Thursday, September 17, 2015

Malapit na.

Meron pa ba o wala na talaga? 
 7mos na kung meron pa. 
 Malapit na rin mag 1 yr after 7days kung meron pa sya. 
 At malapit na rin silang mag 4mos after that 7days.
 They are finally married. 
 After a month, hindi na ulit ako magpaparamdam sa kanilang lahat. 
 After 7mos ulit, sana matuloy na talaga ako at makaalis na. 
 And after 2yrs, sana makabalik ako at dun na talaga. 
 Ayoko na muna sa bansang ito. Sa ibang lugar na lang siguro muna ako.
 Sana..matupad.. Sana..mangyari yun..

 Kung pwede lang sanang isama ko rin nanay at tatay ko para magkakasama kami dun..
 Babalik na lang ako para sa kanila at bibisita. 


  May gustong gustong gusto akong tanungin pero sa tingin ko, alam ko na ang sagot. Malabo na yun after that years. (Will be posted in confession #08)
 

Sunday, September 13, 2015

Other story..

Sunday ngayon. 091315
 Ang saya ko lang hahaha. Hindi ko alam kung bakit. Masaya ako literal pero hindi kinikilig. Atsaka kanino naman?! Hahaha jk. 
 Namimiss ko nanamang mabaliw ng bongga. Yun bang parang wala akong problema sa buhay pero meron talaga haha. Minsan kasi parang pilit ko lang yun. Namimiss ko ring tumawa ng bongga, yung ang tagal kong makalimutan tapos ang tagal matapos ng tawa ko. Ang dami kong namimiss. Ang daming nagbago saken. Ang hirap ibalik. Physical, emotional, mental, spiritual.. Kulang na. Wasak na. 
I hate it. Yung spiritual, medyo nagbabalik loob na ako, thankfully because of my parents. Mental, hindi ko na kayang mag aral. Kung dati, memorize ko na agad ngayon it takes years para makabisado ko yung inaaral ko.. Nakakapagod na kasi e. Emotional, medyo may problema na hahaha. So cold, pag may ibang lalaki kaya siguro binasted ko sila. (Haba ng hair ko dun a hahaha) grabe kahit sa texts o chat, wala na rin.. Wala na rin akong pakialam sa nararamdaman ng iba. Physical, ayun.. Getting weaker. Dami pagbabago sa katawan ko, side effects ata sa iniinom ko tapos nakainom pa ako isang beses 😭 huhubells laking suffering hahaha, nakauwi tuloy ako agad ng wala sa oras. Sana naman gumaling na rin ako kaloka. Tapos, may heartburn pa. Argh. Namimiss ko na magswimming, atleast dun, ang lakas ko haha. Yun na nga lang sport ko e hahaha. Bawal din naman ako sa mga bola, raketa.. Kainis na injury yan.. Buti pa ang swimming, mahal na mahal ko hahaha. Pulikat lang kalaban ko, pero sabi ni coach, labanan si pulikat!! Wag tumigil!! Haha. Nakakamiss! 
 Naiisip ko minsan, bat ba ang hina ko? Bat kailangan ko pang maging bitch para lang di nila ako makitang naiiyak? Bat kailangan ko pang magsinungaling para lang hindi ako makapaglaro ng basketball at volleyball? (May reasons naman kasi) mas mabuting alam nilang hindi ako marunong kesa malaman nila yung totoo. Only M, knows. Syempre, ayoko na rin namang mangyari yun.. 
 Tumataba na ko lalo. Hahaha. Hindi na nga ako kumakain minsan pero ganun pa rin.. Another side effects kainis. Buti sana kung pumayat na lang. Lahat ng sinusuot ko, sumisikip na kainis. Ang nanay ko naman, natutuwa pa haha. Goal: papayat ako.
 
To be continued

Confessions to be made

Sobrang dami. I just can't say it. Pero hindi ibig sabihin non, hindi ko makalimutan yung mga yun. Some of them are left unsaid nung mga oras na hindi na ko makapagsalita. Maraming gustong ishare at itanong pero hindi na nagawa. These confessions are just things in the past. So better not read it. Gusto ko lang talaga ilabas. Confessions/Revelations are the same (meaning ko lang). 
     Wala naman akong balak na balikan yung past dahil past na nga yun, meaning history haha jk. Bad or good man, blessings pa rin sila.. Dun ako natuto e. Hindi lang siguro halata pero ang alam ko lang sa ngayon, priorities first muna. Nakakastress o stress man ako lalo na noon, atleast buhay pa rin ako hahaha. Iniiyakan ko man yung mga yun, hindi pa rin naman ako sumusuko. (I mean sa schoolworks) 
    Confessions are numbered. 

Confession #02

 Lumaban ako sa election dahil sa kanya. 
 Hindi ko kasi sya maintindihan kung bakit ayaw nya akong manalo. Nagtampo pa nga ako nun e. (That time, hindi na kami ayos nun) kaya ayun, mas gusto ko talagang manalo. Nainis din ako dahil sa sinabi nya, na sinabi raw nya sa iba na huwag akong iboto. Hindi ko sya maintindihan nun. 
 Lumaban din ako dahil nga gusto kong magpakabusy, may campaign e. Para na rin makalimutan ko sya dahil nga marami akong ginagawa nun. E ang kaso, puro wisely din yung mga lumaban ng mr. and ms. nu.. Nagtaka nga ako kung paano nila nalaman e lalo na sina kuya ek ek, etc. Sinabi ko na lang na wala na, sya na lang tanungin nyo. Hindi pa naman ako mahilig mag share. And then one day, naging kaclose ko si ate d, yun shinare ko nga sa kanya. Di ko alam na malalaman pala ng iba.. And iba pala ang dating.. To the point na ang lumalabas, jinudge ko sya. Anyway, feelings ko lang naman ang shinare ko pero iba pala iniisip nila. Tas yun, dumating ata sa kanya. Feeling ko tuloy jinudge ko na rin sya nung mga panahong yun. Kaya ayun, tumigil na rin ako. 

Back to election,
 Nakipagpustahan pa saken yung isa kong kaibigan.. Pag nanalo daw ako, move on na. Pero pag hindi, go pa. Fortunately, nanalo ako. Isang puntos lang lamang haha. Pasalamat pa ako dun sa nag manual 😂 

 Ang saya ko pa nun dahil magiging busy na rin ako ng tuluyan. Mas mabuti nang dun ako mastress.. Kasi dun kinakaya ko. Hahaha.