First of all, hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko. Minsan lang naman ako maging selfish diba?
Kaya naisip ko na, para sa sarili ko naman. Oo, namimiss ko sya. Pero yun lang naman siguro yung tamang paraan para makalimutan ko sya. Imagine, ang tagal kong maka move on! Kaloka haha.
Namimiss ko yung pagiging makulit nya dahil kahit papaano andun pa rin yung friendship namin.
Minsan lang to.. Alam ko pag naka move on na talaga ako, hindi na ako yung katulad dati sa kanya. Alam ko yun sa sarili ko. Mas pipiliin kong pareho na lang kami yung lumayo at umiwas kesa ako na lang lagi. Minsan iniisip ko na, paano kaya kung umalis na lang ako sa buhay nya? Kung sya ang aalis sa buhay ko, malabo yung mawala sa isip ko. Pero kung sya, medyo madali na. Mas mabuti kung sya yung makakalimot saken. Yung makakalimutan nya lahat tungkol saken para ang balik noon, hindi na nya ako kilala.
Ang hirap lalo na kapag ang laki ng naging parte nya sa buhay ko. Kahit hindi as a lover pero as a friend and my brother. Halos kilala na nga nya ako e. (Jk) depende lang kapag sobrang galing ko mag pretend hahaha. Yun bang tipong pati sarili ko hindi ko minsan kilala.
Oo magaling akong magpanggap.. Magaling din mag sinungaling. Nasanay lang ako siguro dahil ayoko na makikita ng iba yung nararamdaman ko lalo na dun sa taong involved.
Gusto ko na talagang umalis sa bansang ito. After ko talagang maka graduate, hayyy. Gusto ko baguhin yung buhay at mundo ko. Marami akong gustong iwanan at kalimutan. Selfish ako, sobra.
Pero kung hindi naman talaga para saken, magpaparaya ako. I have no rights to fight for it.
Masasabi ko nang gusto kong mag give up. For the first time, igigive up ko na. He'll be in my memories, for sure. I will let him go kung saan sya masaya. Hindi ibig sabihin na kapag nag give up ako, ako na yung talo. Para saken, nanalo ako.. Dahil alam kong mas masaya kapag nakikita mo yung taong mahal mo ay masaya. I mean, mahalaga hindi mahal chos. ✌🏻️
Someday, we'll meet again soon. Yung pareho na talaga kaming masaya at walang halong pagkabitterness sa utak at puso ko haha chos and we'll be great friends. Yung maaalala namin yung mga nagawa namin and then pagtatawanan na lang namin. That feeling hay. Ang tagal pa nun pero alam kong dadating din yun. Matured na kami pareho, may mga trabaho na, at syempre sya may asawa na at ako may boyfriend na HAHA. Ang saya siguro nun.
To my significant great buddy, friend and brother, (medyo mahaba lang)
If ever na mabasa mo ito before or after na maging okay tayo, o kung hindi mo na ito mabasa, hayy nako ang haba na agad hahaha. Hmm, if ever, I just want to say sorry. Eto nanaman ako nagsosorry, alam mo hindi ako nagsisisi na ginawa ko yun. Actually, matagal ko na yung gustong sabihin sayo at sana maging okay parin tayo. Syempre as my buddy. Galing mo kase mangonsensya. Kaloka ka. It's been 3 days and guess what? Namimiss na kita haha. Kahit hindi naman talaga kita nakakatext at nakakausap lagi, parang feeling ko forever na yun. Sorry kung ikaw pa yung lumalayo, sasabihin ko sayo na thank you for doing it. Labag ba sa loob mo? Sana isulat mo yung mga gusto mong ishare. Sana nga pag okay na ako, okay ka pa rin e. Yung hindi at walang nagbago sayo. Baka kase yun yung start na magbago ka.
Sa totoo lang marami akong gustong sabihin at tanungin sayo kaso yung iba puro past na yun. Sabi mo nga, mas mag focus na lang sa present. Aaminin ko, nainis ako ng bongga sayo. Pero kahit kelan hindi ko pinag sisihan na naging parte ka ng buhay ko. Nasaktan ako ng bongga pero mas inaalala ko yung mga masasayang araw. Thank you for hurting me so much. Dun ako naging mas matapang (kahit hindi halata). Siguro nga kaya binasted ko yung iba (jk) dahil hindi ako handa, I mean hindi pa ako handa dahil nga ikaw pa rin. Kaya nga mas pinili kong palayuin ka para sa sarili ko. Kung yung iba, hindi kumakain pag brokenhearted, ako kabaligtaran. Mas gusto kong kumain lalo na kapag stress. Hindi naman kita sinisisi.. Ayoko ng ganun. Bat naman kita sisisihin e naging masaya naman ako diba? May mga bagay lang talaga na hindi ko naituloy. Sorry nabigla lang ako nung nawala ka. Sorry for being so judgmental.
Last, thank you for EVERYTHING. Hanggang dito na lang ako. Yung everything e malaki. Sa lahat yun, as in. See you soon! I will change for the better. Alam kong may magbabago sayo man o saken, I'll accept that. Take care and God bless!