Paano nga ba ang mag move on?
Mahirap pero kailangan.
Masakit pero umaasa ka pa.
Totoo naman diba?
Una, huwag mong pilitin ang sarili mong mag move on. Dahil ang nararamdaman kusa yang mawawala. Ang gawin mo lang, mahalin mo sarili mo. Katulad ng:
Wag ka na mag lalasing, wag mo papabayaan sarili mo.. Etc.
Para sa akin, ayos lang umiyak.. Kesa naman dibdibin mo lang ang sakit na nararamdaman mo. Pero sana, wag mo ipakita sa kanya o sa iba. Punta ka na lang sa bahay nyo.
Pangalawa, kung nakakatulong ang pagbura ng mga litrato, mensahe at kung ano ano pa, gawin mo na! Kesa balik balikan mo gabi gabi. Mas nakakaiyak diba? Wag ganun. Wag mo hayaan sarili mo na maging habit yun.
Pangatlo, mag enjoy kasama ang mga kaibigan. Wag bitter kung nakita o kasama mo sya.
Alam mo kung bakit? Hindi yun nakakatulong. Sa huli, ikaw ang talo. Ikaw, depende na sayo kung magbibitter ka. Pero halata ka naman nya e.
Advice ko lang din, wag mo sabihing gusto mo na syang makalimutan dahil hindi yun mangyayari. Ang gustuhin mo e yung makalimutan ang nararamdaman mo sa kanya.
Kung nakalimutan ka nya na parang may amnesia, iparamdam mo sa kanya na para kang nag anesthesia.
Pang apat, ibahagi mo sa iba ang tunay mong nararamdaman. Huwag mong sarilinin. Tandaan mo, hindi jan natatapos mundo mo. Dami pa diyan iba. (Wag mong sabihin sa akin na kahit marami pang iba, sya lang talaga mamahakin mo. Upakan kita jan e!)
Pang lima, patawarin mo sya o patawarin mo sarili mo.
Hindi madali, oo. Alam kong nasaktan ka. Pero hanggang kailan? Kapag namatay na sya? Jk. Ayos lang kung hindi agad. Pero sana mapatawad mo rin.
Pang anim, ngumiti ka lang kahit nahihirapan ka na.. Pang asar lang yun sa kanya hahaha. Jk lang. Kung kailangan mo mag ayos, mag ayos ka. Para yan sa sarili mo at hindi sa kanya
Tandaan mo lagi ang sarili mo. Kung masaya na sya sa piling ng iba, dapat ikaw din. Pero di ko sinasabi na maghanap ka agad ng iba. Baka makasakit ka pa e. Wag na wag mo yung gagawin. At huwag kang gumanti baka bumalik sayo. Hayaan mong karma ang dumating sa kanya. May makakatapat din yun.
Hindi ko alam kung ito na ba pang huli pero ito ang paborito ko e,
Ipagdasal mo sya. Ipagdasal mo rin sarili mo. Magpasalamat ka dahil nakilala mo sya na kahit papaano naging masaya ka at natuto ka. Ihiling mo rin na sana balang araw makilala mo rin ang para saiyo sa tamang panahon.
Ang pagmu move on ay hindi madali. Wala yang steps na kailangang sundin. Kung mahal o minahal mo talaga, matatagalan ka talaga. Ang desisyon ay nasa iyo. Kaya mo ba? Oo dapat! Kakayanin!
No comments:
Post a Comment