Hindi ko alam ang gagawin ko.. Masakit pa rin.
Bakit ganun? Kahit anong gawin ko, sya pa rin.
Hindi ko na nga sya nakakausap, nakakatext. Pero buhay na buhay pa rin..
Hindi pa rin ako nakaka move on.
Nagseselos ako, pero hindi to pwede.
Ang sakit! Gusto kong magpanggap pero nanghihina ako.
Kaya ko pa ba? Kakayanin ko pa ba?
Gusto ko nang bumigay.
Gusto ko nang lumayo.
Ayoko na, nagmamakaawa ako.
Nahihirapan na ako.
Ang gusto ko lang naman ay maging masaya.
Yung hindi na ako masasaktan, maaapektuhan.
Kahit maliit lang na bagay, apektado na ako.
Hanggang kelan to?
Hanggang kelan ko mararanasan ang paghihirap na to?
Ang daming naaapektuhan.
Pamilya, kaibigan at kahit kalusugan ko.
Halos lahat na lang ng bagay.
Sana dumating yung araw na tanggap ko na.
Hindi na sya babalik pa.
Magkaibigan na lang kami.
Hanggang dun na lang yun..
Bakit ba ako nagkaganito?
Naiinis ako.
Hindi sa kanya kundi sa sarili ko.
Ang tanga ko. Bakit ko hinayaan sarili ko?
Nagmahal ako ng sobra.
May mahal na syang iba.
Masaya na sila, sya.
Ako, eto pa rin.
Nagmamahal sa hindi na pwedeng mahalin higit pa sa isang kaibigan.
Naiiyak minsan.
Iniisip ko na lang,
Hindi talaga kami para sa isa't isa.
Mag aanim na buwan simula nung kinumpirma nya.
At mag iisang buwan na simula nung naging sila.
Saya ng buhay no? Lagi ko syang nakakasama.
Nagbabahagi sya ng kanilang litrato na dati ay meron kami.
Nagkukuwento ng kanilang masasayang naganap na dati ay nangyari sa amin.
Naglalabas ng hinaing kapag nag aaway sila.
Ang laki ng pinagbago nya.
Kung noon kasingtangkad ng Mt. Apo ang pride nya,
Ngayon sing baba na ng Chocolate Hills sa Bohol.
Masisigurado kong mahal na nya talaga yun.
At ako? Kelan ba sya humingi ng tawad pag may ginawa sya?
Laging ako ang nagpapakumbaba para lang maayos yun.
Wala e, ganun talaga.
No comments:
Post a Comment